Home ENTERTAINMENT Anak ni Dennis, umatras sa showbiz!

Anak ni Dennis, umatras sa showbiz!

Manila, Philippines – Like father, like son.

Meron mang ganitong kasabihan ay sa umpisa lang ito nag-apply sa mag-amang Dennis Trillo at Calix Andreas.

Si Calix ay 17 anyos gulang nang anak ni Dennis sa dating karelasyong si Carlene Aguilar.

Nasa poder ito ng mag-asawang Dennis at Jennylyn Mercado.

Kahit hindi niya biological son, Jennylyn treats Calix like her own.

Sa vlog interview sa Kapuso actress, isiniwalat niya na pangarap pala noon ni Calix na sundan ang yapak ng kanyang ama.

Like Dennis, gusto ring pumalaot sa showbiz ang binatilyo.

But all that has changed now.

During his growing up years daw ay nagtataka siya kung bakit most of the time ay wala ang kanyang tatay sa bahay.

Lagi ring puyat si Dennis, dala na rin ng mga demands nito sa trabaho tulad ng magdamagang taping at shooting.

Naku-culture shock din daw si Calix sa tuwing lalabas sila ng kanyang pamilya.

Bakit daw ang dami-daming taong lumalapit kay Dennis para magpalitrato?

Kalauna’y nagdesisyon na raw si Calix na ganap nang kalimutan ang pangarap maging artista.

In fairness to both Dennis and Jen, hindi nila ine-encourage ang kanilang mga anak to get into the same profession.

Pero suportado nila ang gusto nilang gawin.

“Sa ngayon, iba na ang gusto ni Calix sa buhay niya,” pag-amin ng aktres.

Patuloy na ipinararamdam ni Jennylyn na pantay-pantay ang pagtingin niya kay Calix at Alex Jazz.

Si Alex ay anak ni Jen kay Patrick Garcia.

Si Baby Dylan naman ay anak ng mag-asawa. Ronnie Carrasco III

Previous article‘Evening’ quake drills, iba pang ‘scenario activities’ sinisilip ng OCD
Next articlePinas ‘on track’ sa pag-abot sa upper middle-income status sa 2025