Home ENTERTAINMENT Arnel, dismayado sa performance; Journey members, dumipensa!

Arnel, dismayado sa performance; Journey members, dumipensa!

Manila, Philippines- Go or stay.

Pinamimili ni Arnel Pineda ang kanyang mga fans at supporters kung sa tingin ng mga ito’y karapat-dapat pa ba siyang manatili bilang bokalista ng American band na Journey.

Ito’y makaraang madismaya mismo si Arnel sa kanyang performance sa Rock in Rio Music Festival sa Brazil.

Hindi niya kasi naabot ang matataas na tono ng inawit niyang Don’t Stop Believing.

“No one feels more devastated than me,” pag-amin ni Arnel parungkol sa kanyang poor performance.

Gayunpaman, Arnel took to his Facebook page his immense gratitude to his fans, kahit ‘yung

mga naging instant haters.

Emotionally at mentally raw ay nagdusa na raw siya sa pangit na kinalabasan ng kanyang pagkanta.

“But here’s the deal,” saad ni Arnel to be fair to his supporters.

Ang tinutukoy niyang deal ay mangyaring ipagbigay-alam daw sa kanya sa pamamagitan ng text message if he should “go” or “stay.”

Go as in mabitiw na sa bandang Journey or stay as in still be part of it.

Pag umabot daw nang 1 million ang magsasabing “go,” Arnel said he’s willing to step out for good.

Ramdam naman ng mga fans ang frustration ni Arnel who never fails to deliver a good performance simula’t sapul.

Hindi raw nalalayo si Arnel sa mga karaniwang mang-aawit who have set high standards sa tuwing magtatanghal.

“They are actually their worst critics themselves,” sabi ng mga supporters ni Arnel na nakakaunawa sa kanyang sentimento.

Marami rin ang ‘di sang-ayon sa gagawing paglisan ni Arnel sa Journey: “Move on! His past performances far outweigh that single mistake.”

Dumipensa naman ang ibang Journey members in favor of Arnel.

In an Instagram post, drummer Deen Castronovo said, “Arnel has RISEN to the challenge of Journey’s catalog, NIGHT after NIGHT, YEAR after tiring YEAR!

“Sometimes it DOES NOT, CANNOT or WILL NOT cooperate when needed. So, what’s the point of hammering a human being over something they have no control over?” punto pa ni Deen sa epekto ng boses ni Arnel.

“I know very few who can pull off what Arnel does without ego and with passion and grace,” sabi pa niya.

Sabi naman ng Journey keyboardist na si Jonathan Cain, “16 years and strong!

“Love you and grateful for you… you are not going anywhere.”

Taong 2008 nang maging bahagi si Arnel ng Journey nang kumalas si Steve Perry.

Among his remarkable renditions ay pag-awit niya ng Faithfully. Ronnie Carrasco III