Home NATIONWIDE Ayuda ng gobyerno sa hagip ng pag-alburuto ng Mayon, nasa P131.2M na

Ayuda ng gobyerno sa hagip ng pag-alburuto ng Mayon, nasa P131.2M na

MANILA, Philippines – UMABOT na sa P131.2 million ang tulong ng gobyerno sa mga residente sa Bicol Region na apektado ng nagpapatuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mas mataas ito sa P105 million na iniulat noong Hunyo 28.

Kabilang sa mga tulong na naibigay ng gobyerno ay distilled water sa six-liter bottles, drums, family food packs, family kits, family tents, financial at fuel aid, hog grower feeds, hygiene kits, laminated sacks, “malongs”, modular tents, nets, nylon ropes, rice at tarpaulins.

Sa ngayon, ang bilang ng pamilya na apektado ay 11,045 o may katumbas na 42,815 katao na nakatira sa 26 barangays.

Sa nasabing bilang, 5,775 pamilya o 20,134 indibiduwal ay nakatuloy sa 28 evacuation centers habang ang 408 o 1,427 katao ang tinulungan sa labas ng evacuation centers.

Ang mga nasabing bilang na ito ay “subject to change as validation is constantly ongoing.”

Nauna rito, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na ang apektadong pamilya ay kombinasyon ng “displaced at iyong mga hindi na kailangan na ilikas pa. Kris Jose