Home METRO Babae nagulungan ng trak, patay

Babae nagulungan ng trak, patay

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang babae nang magulungan ito ng trak sa Pulupandan, Negros Occidental.

Kasabay nito, naputulan naman ng daliri ang kanyang mister.

Sa ulat, sakay ng tricycle ang 48-anyos na biktima at ang kanyang asawa nang mangyari ang insidente.

Bahagyang lumipat ng linya ang tricycle nang makasalubong ang 10-wheeler truck.

Hindi agad nakapagpreno ang jeep na nasa likod ng tricycle kaya nabangga nito ang sinasakyan ng mag-asawa. Tumilapon ang mga ito saka nagulungan ng trak.

Isinugod sa ospital ang mag-asawa ngunit hindi na umabot pa na buhay ang babae.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng trak at jeep na maaaring maharap sa kaso. RNT/JGC

Previous articleLiza at Janella, nagkita, nag-bonding!
Next articlePHIVOLCS sa phreatic eruption ng Mayon: Walang pag-angat ng magma