Home HOME BANNER STORY Barko ng CCG dumaan malapit sa Lubang Island; ‘innocent passage’ – PH...

Barko ng CCG dumaan malapit sa Lubang Island; ‘innocent passage’ – PH Navy

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Philippine Navy nitong Martes ang ulat kamakailan na presensya ng isang China Coast Guard (CCG) malapit sa Lubang Island.

Sa isang press briefing, sinabi ni Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang Chinese ship ay nasa “continuous passage” at gumamit ng “freedom of navigation.”

“The Philippine Navy has monitored the presence. It was a continuous passage west of Lubang Island 60 nautical miles from mainland Luzon,” wika ni Trinidad.

Nang tanungin kung ito ay innocent passage, tugon ni Trinidad, “Freedom of navigation, yes.”

Sinabi ni Trinidad na ipinagbigay-alam ng Philippine Navy sa Philippine Coast Guard, Naval Forces Northern Luzon, at Naval Forces West ang tungkol sa pagpapatrolya ng Chinese vessel.

Namataan ang China Coast Guard 5303 vessel malapit sa Lubang Island sa Mindoro nitong Linggo ng hapon habang nagsasagawa ng “intrusive patrol,” ayon kay dating US Air Force official and Defence Attaché Ray Powell nitong Lunes.

“At 16:20 yesterday the 135-meter China Coast Guard 5303 arrived 60 nm west of the Philippines’ Lubang Island & is now conducting an intrusive patrol at that location,” pahayag niya sa isang post sa X (dating Twitter).

Patuloy ang tensyon sa gitna ng pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea (SCS) saklaw ang parte ng tinutukoy ng Pilipinas na West Philippine Sea.

Noong 2016, pinaboran ng international arbitration tribunal sa Hague ang Pilipinas sa pag-angkin ng China sa South China Sea, sa pagsasabing ito ay walang legal na basehan.

Patuloy ang pagbalewala ng China sa desisyon. RNT/SA