Home HOME BANNER STORY Comelec tuloy sa paghahanda sa 2026 BSKE

Comelec tuloy sa paghahanda sa 2026 BSKE

3
0

MANILA, Philippines – Ipinagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nov. 2 habang hinihintay ang batas na magre-reset sa halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kailangang maging handa ang poll body sakaling hindi maipasa ang panukala o magkaroon ng restraining order matapos itong maging batas.

“Hindi po kami humihinto, kasi hangga’t hindi ho nagiging batas ’yan, ang batas sa atin ay may eleksyon sa November 2,” ani Garcia.

Inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2387 na nagmumungkahing gawing limang taon ang termino ng barangay at SK officials at ilipat sa 2028 ang susunod na BSKE. In-adopt na rin ito ng House of Representatives at hinihintay na lamang ang lagda o veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Garcia na nasa P8 bilyon na ang nagastos ng Comelec sa paghahanda. Aniya, magagamit pa rin sa 2028 ang mga naimprentang balota at ibang kagamitan kung ma-reset ang halalan.

“Pero ‘yung mga na-imprenta nating mga balota, ‘yung mga nabili naming ibang kagamitan, magagamit naman natin sa reset na barangay and sk elections kung saka-sakali,” aniya.

Patuloy rin ang paghahanda para sa filing ng Certificates of Candidacy (COCs) na nakatakda sa Sept. 28 hanggang Oct. 5.

Nanawagan si Garcia ng agarang desisyon dahil kailangan nang i-deploy ang mga election materials sa buong bansa pagsapit ng unang linggo ng Oktubre kung matutuloy ang halalan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here