Home METRO Courier driver, arestado sa P3.4M tobats sa Pampanga

Courier driver, arestado sa P3.4M tobats sa Pampanga

2
0

PAMPANGA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang isang courier company driver na umano’y nagbebenta ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng tinatayang P3.4 milyon halaga ng suspected shabu sa buy-bust operation sa Barangay Dau noong Biyernes ng gabi, Agosto 21.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 ang suspek bilang si alias “Haji,” 22.

Ayon sa PDEA, itinuturing siyang umano’y “big-time drug pusher” na sangkot sa malakihang distribusyon ng shabu sa Metro Manila at Central Luzon.

Bandang 8 p.m. noong Biyernes, nagsagawa ang PDEA ng buy-bust operation, katuwang ang lokal na pulisya, sa Dau NLEx Access Road. Nauwi ito sa pagkakaaresto sa suspek at pagkumpiska ng ilegal na droga.

Humigit-kumulang 500 gramo ng suspected shabu ang nakuha mula kay “Haji,” kasama ang marked money na ginamit sa operasyon.

Ayon sa PDEA, ginagamit umano ng suspek ang kanyang trabaho bilang driver ng isang courier company bilang takip sa kanyang ilegal na aktibidad.

Nahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here