Home OPINION CPP-NPA MULING ITINALAGANG TERORISTA

CPP-NPA MULING ITINALAGANG TERORISTA

185
0

MULING idineklarang ng Anti-Terrorism Council  ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na mga terorista sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Bong Bong Marcos.

Sabi nga sa akin ni National Task Force to End Local Armed Conflict Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. mahalaga ang aksiyon na ito ng ATC dahil desidido na ang pamahalaan na tapusin na ang natitirang labing-isa (11) mahihina na lamang na mga guerilla fronts ng NPA.

“For the total victory against the communist armed movement,” sabi ni Torres.

Natutuwa rin namam ako sa inilabas ng ATC na Resolution Number 53, na binabansagan din ang isang Elizabeth Pineda Principe, na alam ko namang alias din lamang, bilang “terrorist individual.”

‘Di na rin naman mai-aalis ang bansag na terorista ang mga CPP-NPA dahil sa kanilang laging paglabag sa Section 4 ng Anti-Terrorism Act. Kabilang rito ang kanilang pang-aambush o pag-atake sa tropa ng ating pamahalaan, pananakot sa mga kababayan natin sa mga kanayunan at paggawa ng mga krimen.

Isinasaad nga sa 2023 Global Terrorism Index, na ang NPA ay pang-labinlima (15th) sa dalawampung pinakaterorista sa mundo.

Ang muli pagbabansag na terorista ang CPP-NPA ay pagpapakita lamang na ang Marcos Administration ay kaisa ng bawat Pilipino sa pangangalaga ng seguridad at kaligtasan ng mamamayan nito at ng bansa.

Kaya naman itinataya ni Torres ang suporta ng Task Force sa ATC na hinaharap ang hamon na ipinakikita ng mga teroristang gaya ng mga CPP-NPA.

Ang Resolution Number 53 (2023) nga pala, ay binalangkas din kung bakit nito itinuturing na terorista si Principe. Ito ay dahil umano sa kanyang pakikilahok sa mga enkwentro nila sa ating mga sundalo, panghihikayat sa mga kabataan na sumali sa NPA at mga pagpaplano ng iba pang mga ‘terroristic acts’.

Para sa inyong kaalaman, si Principe ay isang ‘high-ranking leader’ at miyembro ng Central Committee ng CPP-NPA. ‘Yan ay nakasaad din sa resolution ng ATC.

Ang pagkakabansag na terorista ang mga CPP-NPA kabilang na si Principe ay isang paraan lamang para sa ikabubuti ng lahat at ng ating Inang Bayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here