Manila, Philippines – Ang pangatlong anak niyang si Carl ang kasama na lang ngayon ni Daisy Romualdez.
Walong taon na rin daw kasi siyang hiwalay kay Manny Paner.
May sariling buhay na rin at nakabukod ng tirahan si Danita, her second child.
May kontak pa rin naman daw siya dito pero hindi madalas ang kanilang pagkikita.
Pero ang pinakanakakasakit ng damdamin ng dating Sampaguita star ay ang tila paninikis sa kanya ni Tina Paner.
Ang huli pa raw nilang pagkikita ni Tina ay sa burol ng best friend niyang si Gloria Romero.
In fairness, nilapitan naman daw siya nito’t humalik.
But that was just about it.
Hindi na nga napigilang mag-open up si Tita Dai sa vlog interview ni Aster Amoyo.
Litanya niya: “Sinuportahan ko siya noong nag-aartista siya. Inaway ko lahat ang mga tao nang dahil sa kanya. Pinag-aral ko siya sa isa sa mga best schools…and what do I get? Nothing!”
Ni simpleng tawag para kumustahin daw siya’y wala.
“Alam mo sa gabi, umiiyak na lang ako…bakit nangyayari ito sa akin?
“Buti pa si Danita, tatawagan ako niyan. Pero si Tina, hindi! Gusto ko lang itanong kay Tina–may monmy ka pa ba? Huwag sanang gawin ng anak niya ang ginagawa niya sa akin!”
Ganoon na nga ba katigas ang puso ni Tina at nakukuha niyang tiisin ang kanyang ina? Ronnie Carrasco III