Home ENTERTAINMENT Lolit, pumanaw na!

Lolit, pumanaw na!

Manila, Philippines – Sumakabilang-buhay na si Lolit Solis.

She was 78.

Kinumpirma ito ng dating child wonder na si Niño Muhlach sa Facebook.

Sinegundahan ito ng isa sa mga alaga ng talent manager cum colunnist na si Jolo Revilla.

Si Jolo ay anak ni dating Senator Bong Revilla at Lani Mercado na kapwa alaga rin ni Solis.

Hindi pa tiyak ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Pero ilang taon na ring sumasallalim sa dialysis si Lolit.

Taong 2023 nang magkaroon siya ng mild stroke.

Bago pa man ang kanyang pagpanaw, nagpahayag na si Lolit ng kahandaan sa mangyayari.

Lolit also served as host of Startalk, Tweetbiz Insiders and CelebriTV.

She is survived by her two daughters, both based in the US.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naiwan ni Lolit Solis. Ronnie Carrasco III