Home OPINION DALAWANG URI NG MAGNANAKAW

DALAWANG URI NG MAGNANAKAW

119
0

INARESTO ng pulisya sa Barangay Masambong, Quezon City ang isang 32-anyos na lalaki dahil sa pagnanakaw ng tanso sa dati niyang pinapasukang construction sa Calamba, Laguna.

Ang halaga ng ninakaw umano na tanso ng lalaki ay 300 piso. Nagipit lang daw ang lalaki kaya nagawang makapagnakaw. Noong 2021 pa nangyari ang krimen.

Ang tawag sa sitwasyon ng lalaking ito ay SOBRANG MALAS.

******

SMALL TIME kung tutuusin ang halaga ng ninakaw ng suspek.

Pero sadyang ganyan kalupit minsan ang ating batas. Kung small time kang kawatan, walang kinakapitan, walang impluwensya at nagnakaw dahil nagipit lang, diretso ka sa kulungan kapag nahuli.

******

Kung may mga minamalas sa pagnanakaw dahil agad nakakalaboso, may mga MAGNANAKAW na SOBRANG SINUSWERTE.

Sila ‘yung mga ikalawang uri ng MAGNANAKAW ng pondo ng bayan na tinatawag pa nating mga HONORABLE.

At ang kanilang mga anak, asawa at iba pang kamag-anak ay mga taas-noo pa. Ipinangangalandakan sa social media ang NINAKAW NG “HALIGI” NG KANILANG TAHANAN.

*******

Ang unang kawatan ay nakulong dahil sa pagnanakaw ng tanso.

Pero ‘yung mga lider at politiko na sa atin ay NANTANSO matapos mangako sa atin noong mga nakalipas na halalan na sila ay maglilingkod nang tapat ay MALE-MALETANG PERA ang tinangay mula sa kaban ng bayan.

Nariyan na ang mga ebidensiya at testimonya ng mga saksi ngunit hindi pa rin NABIBILANGGO ang mga animal.

Ngingisi-ngisi pa ang mga ito at nagagawa pa nilang linisin ang mga sarili para sa susunod nilang pagtakbo sa halalan. Ang kakapal ng mukha!
******

Por eksampol, ang karamihan sa 55 mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na pumabor o nagsabing may ‘probable cause’ ang Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay nadalhan ng male-maletang pera mula sa flood control projects.

Kanya nga gusto nila na mapatalsik si VP Sara dahil kapag nagkataon na maging susunod na Pangulo ng bansa ang bise-presidente, tiyak na masasadlak silang lahat sa selda!

Ngayon ay masaya at nagtatawanan pa sila. Sige lang, darating din ang oras n’yong mga bruha at bruho!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here