Home OPINION NAGSORRY SI JUDGE, MALI ITINUWID AGAD

NAGSORRY SI JUDGE, MALI ITINUWID AGAD

91
0

BIHIRA tayong makasaksi ng isang huwes na nagpapakita ng agarang pagtutuwid sa isang pagkakamali na nanggagaling sa kanyang bulwagan at si Pasay City Regional Trial Court Branch 118 Presiding Judge Rowena Nieves Adena Tan ‘yon.

Sa inisyung warrant of arrest ni Tan laban kay dating broadcaster Jay Sonza, inilagay roon ang paglabag ni Sonza sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa halip na Article 154 ng Revised Penal Code o “Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances” na inamyendahan ng Republic Act No. 10951”, kasama ang fake news na banta sa public order or danyos sa Estado.

Dahil nga RA1059 ang complaint,ginawang not bailable o non-bailable o walang piyansa at dito siya hinuli ng National Bureau of Investigation.

Nang dalhin si Sonza sa sala ni Tan, kinuwestiyon ni Atty. Mike Tolentino, abogado ni Sonza, ang warrant.

Sa amyenda ng RA No. 10951, may parusa sa “Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances” na aresto mayor lamang o pagkakulong na 1 buwan at 1 araw hanggang 6 buwan at may multang P40,000-P200,000.

Dahil hindi namang capital punishment ang krimeng ibinintang kay Sonza gaya ng reclusion perpetua na may 20 taon at 1 araw hanggang 40 anyos na pagkakulong, may karapatang siyang magpiyansa.

At kahit pa may capital punishment ang kaso ni Sonza basta hindi naman ganoon katibay ang ebidensya laban sa kanya para masabing guilty siya, may karapatan pa rin siyang magpiyansa, ayon naman sa Konstitusyong 1987, Article III, Section 13, ngunit nasa diskresyon ito ng hukom.

Kung tutuusin, kahit nag-sorry pa si Tan, nagkaroon ng pinsala sa parte ni Sonza dahil sa pagkakakulong nito ng nasa limang araw.

Pupwedeng asuntuhin ni Sonza si Tan sa pagkakamali nito ngunit maaaring palampasin rin ito ng una dahil nagsorry naman agad ang huli sa publiko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here