Home OPINION ‘DI MATINAG GROUP’ SA CUSTOMS

‘DI MATINAG GROUP’ SA CUSTOMS

1
0

SADYANG marami ang patuloy na humahanga sa liderato ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno. Patunay ang walang tigil na “pagbuhos” ng mga papuri sa kanya at syempre, sa magandang ‘tax collection’ ng Bureau of Customs sapul nang maupo siya sa pwesto noong isang taon, kasehodang patuloy ang giyera sa ‘Middle East’ na nagpahina sa galaw ng ating ekonomiya.

Dapat din nating papurihan si Pangulong Bongbong Marcos at Finance Secretary Frederick Go sa ipinapakita nilang todong suporta sa liderato ni Comm. Ariel na kahit ‘Palace appointees’ ay hindi nila “inaarbor” kapag gumawa ng sablay at inalis ng komisyuner sa puwesto.

Isa sa mga unang direktiba ni Nepomuceno matapos maitalaga noong isang taon– ilang araw lang matapos siyang pumunta sa ating birthday na malapit na ulit– ay ang ‘no take policy’ o “Bawal Na ang Tara Ngayon.”

At bagaman nga “saludo” tayo sa disiplina ni Comm. Ariel na kaya niyang gawin ang kanyang sinasabi katulad ng pagtanggi sa suhol, sadya yatang mahirap baguhin, Port of Manila District Collector Rizal Torralba, ang mga bagay na nakagawian na ng ilang mong tauhan?

Ang himutok kasi sa atin ng isang kaibigan na mahaba na rin ang karanasan sa mga transaksyon sa piyer, umaabot sa siyam na “butas” (translation: tanggapan) na kailangang daanan ng dokumento ang patuloy sa pangingikil, ayy, panghihingi, kahit sa mga katulad nilang “Gurami Players.”

Na kahit daw “konti” lang “diperensya” ay hindi sila pagbibigyan at kung ayaw mong maabala, aba’y “maghatag” ka na lang, ganern?

Kung siyam na mesa ang “nag-aabang” para hindi “maabala” sa paglabas ang kargamento, ano pa ang kikitain sa “lufet” ng kumpitensya sa piyer ngayon?

Binansagan na ‘Di Matinag Group’ ang mga damuho dahil sa kabila ng mga babala at sa dami ng mga “nasampolan” na ni Comm. Nepo, mukhang hindi sila tinubuan ng takot sa katawan, hindi sila natitinag at hindi mapigilan sa gawaing sablay?

‘Absent’ kaya sila nang ianunsiyo ng komisyuner ang kanyang patakaran? ‘No bearing’ din kaya ang mga paalala ni DC Rizal?

Ano kaya ang susunod na kabanata?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here