Home NATIONWIDE DOJ: Walang nangyaring pag-atake sa Senado

DOJ: Walang nangyaring pag-atake sa Senado

1
0

MANILA, Philippines — Lumabas sa paunang imbestigasyon ng special panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) na hindi umano nasa ilalim ng pag-atake ang gusali ng Senado nang maganap ang putukan noong Mayo 13, 2026.

Sa press conference nitong Miyerkules, sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na batay sa naging pagsusuri ng prosekusyon, hindi rin katanggap-tanggap ang mga hakbang na isinagawa ng Senate Office of the Sergeant at Arms (OSAA) sa araw ng insidente.

Ayon pa kay Vida, natuklasan din sa imbestigasyon na sinubukan ng National Bureau of Investigation (NBI) na ipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kasabay nito, nagbabala ang DOJ na maaaring managot sa batas ang sinumang tumulong sa senador na makaiwas sa pag-aresto matapos maisapubliko ang selyadong arrest warrant ng ICC laban sa kanya.

Giit ni Vida, dumaan sa masusing imbestigasyon ang insidente batay sa mga ulat na isinumite ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), mga ulat ng media, testimonya ng mga testigo, forensic findings, documentary records, CCTV footage, at iba pang ebidensya.

Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsusuri kaugnay ng insidente. — Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here