MANILA, Philippines — Walang nakasungkit ng jackpot prizes sa Grand Lotto 6/55 at MegaLotto 6/45 draws na isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Hunyo 17.
Lumabas sa Grand Lotto 6/55 ang kombinasyong 55-31-46-37-48-01 para sa jackpot prize na nagkakahalaga ng P45 milyon, ngunit walang tumama sa lahat ng anim na numero.
Samantala, lumabas naman sa MegaLotto 6/45 ang numerong 34-35-09-10-19-32 para sa jackpot na umabot sa humigit-kumulang P65.01 milyon. Wala ring nakakuha ng tamang kombinasyon para maiuwi ang premyo.
Sa minor games, 25 mananaya ang nanalo ng tig-P32,001 sa 4D Lotto matapos lumabas ang numerong 5-5-6-6.
Sa 3D Lotto, 387 mananaya ang nanalo sa 2 p.m. draw sa kombinasyong 1-9-8, habang 90 naman ang nanalo sa 5 p.m. draw sa numerong 0-0-7. Umabot naman sa 557 ang nanalo sa 9 p.m. draw matapos lumabas ang 5-1-3. Lahat ng winners ay tumanggap ng tig-P4,500.
Para naman sa 2D Lotto, 150 mananaya ang nanalo sa 2 p.m. draw sa numerong 04-31, 259 ang nanalo sa 5 p.m. draw sa kombinasyong 05-17, at 611 ang nanalo sa 9 p.m. draw sa numerong 07-26. Bawat isa ay nakatanggap ng tig-P4,000.
Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, habang ang MegaLotto 6/45 ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. RNT