Home NATIONWIDE DSWD naka-alerto sa posibleng epekto ng paparating na bagyo

DSWD naka-alerto sa posibleng epekto ng paparating na bagyo

2
0

MANILA, Philippines – Naka-full alert ang quick response teams ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Saudel, na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes. Kapag nakapasok sa PAR, tatawagin itong Obet.

Bagama’t maliit ang posibilidad na direktang mag-landfall ang Saudel, maaari nitong palakasin ang Habagat na nagdulot ng halos tatlong linggong pag-ulan sa bansa.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, sapat ang nakaimbak na ayuda ng ahensya, kabilang ang:

–3,854,112 family food packs (FFPs)

–275,983 nonfood items (NFIs)

–315,172 ready-to-eat food (RTEF)

–P715.25 milyon na quick response funds

Patuloy din ang pagtulong ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat. Umabot na sa P1.03 bilyon ang naipamahaging humanitarian aid sa 2,042,703 pamilya.

Samantala, nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan, social action centers at mga simbahan upang mas mapabilis ang pamamahagi ng food packs. Sa Guagua, Pampanga, halimbawa, 970 food packs ang ipinamahagi sa mga apektadong pamilya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here