KUNG ang karamihan ng mamamayan ng Kalibo ay sampalataya sa galing ng pamamahala ni Juris Sucro, alkalde ng bayan ng Kalibo, lalawigan ng Aklan, Marami rin ang hindi nagugustuhan lalo sa pinaiiral na pagbabago ng kanilang punongbayan.
Pinakabago ng pagpuna ngayon ay ang bagong itinayong P300 milyon na pampublikong palengke na umani ng iba’t-ibang pag puna mula sầ mga mamimili, vendors at nangungupahan.
Sa simula pa lamang mula ng itinayo ang tatlong palapag na palengke ay naging masalimuot na ito dahil sa hindi magandang pamamalakad ng inhinyero nito na naging usap-usapan dahil sa hindi magandang pakikisama sa mga manggagawa nito.
Ang nasabing public market ay hindi na mukhang traditional na palengke kung saan naging mas kahawig ito ng isang commercial building mini-mall na maaaring may kamahalan ang upa nito.
May ilang dalubhasa pagdating imprastraktura ang nagsasabi na ang nasabing palengke ay kulang sa tibay na kung tawagin sa salitang Aklanon ay naga-huylab na maaaring bumigay ang flooring nito kapag hindi nakayanan ang bigat ng mga mamimili.
Ilan sa mga dating naging mayor ng nasabing bayan na may pagdududa na balang-araway baka mangyari ang isang sakuna kaya habang maaga pa lang magdaos ng isang pagsusuri o inspeksyon na matiyak na ligtas ang nasabing pamilihan.
Maraming tuloy ang may haka-haka na puro kagarbuhan lamang ang ginagawa ni Sucro para sa kanyang pansariling interes sa hảlíp na ituon ang isipan nito kung paano mậpauunlad ng husto ang bayan ng Kalibo.
Maging ang pagdiriwang ng taunang Kalibo Ati-Atihan ay nabahiran na rin ng anomalya dahil mas inuuna ng kanyang piling alipores kung paano kumita kahit hindi komportable para sa mga bisita ang nasabing selebrasyon.
Ang nais ng mga taga-Kalibo ay isang bayang tunay na kinakalinga ang mamamayan—lalo na sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng trabaho, maayos na serbisyong pang-edukasyon, at sapat na pangangalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan nito.






