HABANG may mga nag-aaway sa pandaraya, kikbakan at korapsyon sa Kamara, Senado at Palasyo, biglang naalaala ng Lupa’t Langit ang Bibliya, gaya ng Mateo 21:12-13 na nagsabing:
12 Pumasok si Jesus sa Templo at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda at namimili roon. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati. 13 Sinabi niya, “Sinasabi sa Kasulatan,
‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’
Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
Sinabi naman ng Lucas 19:45-46:
45 Sa kanyang pagpasok sa templo, itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon.
46 Sinabi niya sa kanila: Nasusulat:
Ang aking bahay ay isang bahay dalanginan. Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga tulisan.
Sa Juan 2:13-22, nababasa namang:
13 Malapit na noon ang Pista ng Paskuwa ng mga Judio kaya pumunta si Jesus sa Jerusalem.
14 Nadatnan niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, mga tupa, mga kalapati, at mga namamalit ng salapi.
15 Dahil dito, gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya ang lahat palabas ng templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ipinagtatapon niya ang mga salapi ng mga mámamalit at ipinagtataob ang kanilang mga mesa.
16 Sinabi niya sa mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo ang lahat ng ito! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama.”
Naalaala nga ng pitak na ito ang pahayag ni dating Kongresman Zaldy Co ukol sa mga magnanakaw sa Kamara at Palasyo.
Gayundin ang kay Navotas Rep. Toby Tiangco ukol sa bentahan-bilihan ng mga proyektong public works at nagmistulang palengke ang Kamara at kay ex-Speaker Martin Romualdez na ang Ehekutibo ang mga korap o magnanakaw sa kaban ng bayan.
Sa huli, umaalingawngaw ang sigaw ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda-Leviste ukol din sa matitinding korapsyon sa Kamara at Palasyo.
Nauulit ba ngayon ang mga sinasabi ng Bibliya?






