Home OPINION DUNGIS SA IMAHE NG PNP

DUNGIS SA IMAHE NG PNP

IKINAGALAK ni Philippine National Police chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil ang bunga ng pagsisikap ng mga imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Group sa pagkadiskubre sa mga bangkay nina Pampanga Beauty Queen Geneva Lopez at kasintahang Israeli Yitzhak Cohen.

Sa ulat ni Marbil, mayroon na ring hawak ang task force ng CIDG na dalawang ‘persons of interest’ na siyang may kaugnayan sa pagpatay sa magnobyo. Ang bulong nga sa akin sa Camp Crame ay mga dating pulis ang mga ito.

Naku poh! Yan ang ayaw na ayaw ni Chief,PNP – ang madungisan ang imahe ng mga pulis.

Mano pa, ang nasagap ko, itong magnobyong sina Geneva at Yitzhak ay may naging kaibigan ngang pulis. Nagdrama-drama at nanghiram ng pera sa Israeli, dahil ang ina raw nito ay may sakit.

Nang ‘di makabayad, inalok ang magnobyo na babayaran na lang, ng isang parte ng lupain sa Tarlac. Kaya naman nadayo ang magnobyo sa lugar na iyon.

Pero, bakit ganun nga ang nangyari? Pinaslang pa ang magnobyo.

Ang mga nasa likuran sa pangyayari ito, ang pihadong hindi palulusutin ni Marbil. Pihado ako, ngayon pa lang, na nadiskubre na ang mga bangkay ng magnobyo, ‘di patitigilin ng PNP top cop, ang pulisya na talupan ang lahat ng may kaugnayan sa pangyayari.

Agad nga niyang pinapurihan at pinasalamatan ang CIDG task force sa bagong update ng kaso.

“The SITG’s tireless work reflects our commitment to the rule of law. We stand firm in our pursuit of justice for Geneva and Yitshak and all victims of such heinous acts,” ang nasabi ni Marbil.

“Their efforts have been crucial in bringing this case to light, and their work continues as the investigation proceeds,” dagdag pa ng Mamang Pulis.

Bakit naman kasi may mga taong mapagsamantala sa kabaitan ng kapwa nila?