TINATAWAG na ‘emergency’ ang isang event na maaaring magdulot ng single o multiple serious injuries at tuluyang pagkasira ng mga ari-arian kung hindi magagawaan ng nararapat at mabilisang aksyon.
At dahil nagsisibalik na ang ating mga estudyante para sa panibagong school year, mas mainam kung mapaghahandaan ng eskwelahan ang iba’t-ibang klase ng emergencies (kabilang na rin ang disaster) para sa proteksyon ng estudyante, guro at staff.
Maliban sa fire at earthquake situation, kailangang pag-usapan din ng pamunuan ng eskwelahan ang mga preparasyon o plano na maaaring mangyari sa loob at labas ng school premises tulad ng extreme weather condition (low pressure, typhoon), pagbaha, chemical spill mula sa science laboratory, poisoning, collapse of a person, violence and aggression injuries, kidnapping, road accident at iba pa.
Makatutulong ang komprehensibong paglalatag ng mga plano upang maging klaro ang agarang aksyon in case of emergencies. Sa pamamagitan nito, mapag-uusapan din ang mga secondary hazard at panganib na maaaring suungin ng mga papasok at lalabas ng school. Tulad na lamang ng possible injuries dahil sa flying objects dala ng malakas na hangin, pagkakaroon ng fire, sakit sa balat at loob ng katawan tulad ng baga o atay dahil sa epekto ng kemikal, leptospirosis dahil sa baha at iba pa. Kapag mabuti at maayos ang pagpaplano, maiiwasan ang mga ito at mabibigyang proteksyon ang mga miyembro ng emergency response team.
Kinakailangan ding may angking kasanayan at kayang gampanan ng isang emergency team member ang kanyang role sa bawat emergency.
At siyempre pa, kaakibat ng isang successful na plano ang pagsasagawa ng training at drills, pagpapaskil ng emergency hotline and procedures, pagsasaayos ng assembly point, updated contact sa internal resources, updated emergency hotline number ng barangay, police, fire station at iba pa.