MANILA, Philippines – Sa pag-uumpisa ng buwan ng Marso, kasalukuyang dinaraos ang Fire Prevention Awareness Month, na pinangunahan ng Bureau of Fire (BFP) Manila sa patnubay ni FSSupt Eddie Wong Tanawan – Fire District Marshal.
Kasunod nito ay pinatunog nina Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza Bell of Solidarity pagpapahayag ng pakikiisa ng Manila LGU sa information campaign ukol sa Fire Prevention.
Pinasalamatan naman ni Moreno ang mga bumbero at volunteers na handang magprotekta sa mga buhay at ari-arian ng mga taga-Maynila. RNT