Home NATIONWIDE Mga abogado nanawagan sa SC sa paglalabas ng partial commitee report sa...

Mga abogado nanawagan sa SC sa paglalabas ng partial commitee report sa flood control projects ng Senado

137
0

MANILA, Philippines – Naghain ng Petition for Mandamus and Certiorari sa Korte Suprema ang ilang abogado upang hilingin na atasan ang Senate Blue Ribbon Committee na ilabas ang draft partial committee report tungkol sa kontrobersyal na imbestigasyon sa mga flood control projects.

Ayon sa Blue Ribbon Committee, ginamit nila ang deliberative process privilege upang protektahan ang mga talakayan sa loob ng gobyerno.

Subalit, iginiit ng mga petisyoner na sina Aceron, Sikini Labastilla, at Purificacion Bartolome-Bernabe na hindi na maaaring gamitin ang pribilehiyong ito matapos ipahayag ni Chairman Panfilo Lacson ang nilalaman ng ulat sa publiko.

Ang ulat ay naglalaman ng mga rekomendasyon para sa plunder at iba pang kaso laban sa ilang senador, batay sa ebidensyang nakalap sa mga pagdinig.

Humihiling ang mga abogado sa Korte Suprema na maglabas ng Temporary Restraining Order o Status Quo Ante Order upang tiyakin na ang draft report ay hindi mababago, masisira, o maitago.

Hiniling din nila ang writ of mandamus upang pilitin ang Blue Ribbon Committee na ilabas ang kumpleto at hindi binagong bersyon ng ulat.

Bukod dito, nais nilang magbigay ng paliwanag ang mga senador na sina Zubiri, Ejercito, at Gatchalian tungkol sa pag-withdraw ng kanilang pirma sa ulat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here