MALAKI ang panganib ng mga kontaminadong pagkain lalo na sa mga bata, buntis, matanda at mga taong mahihina ang immune system dahil sa taglay na iba’t ibang karamdaman.
Nangyayari ang foodborne illnesses dahil sa intake ng kontaminadong pagkain o tubig na mayroong infectious o nakalalasong bagay sanhi ng biological hazards tulad ng bacteria, viruses at parasites. May kontribusyon din dito ang chemical hazards tulad ng lead, cadmium, mercury at iba pa.
Ayon sa World Health Organization, pumapangalawa ang sakit na diarrhea sa sanhi ng kamatayan ng 370,000 na mga paslit noong 2019.
Bukod sa biological at chemical hazards, maaaring makontamina ang anomang pagkain dahil sa physical hazards tulad ng staple wire, insekto, buhok, metal fragments, wood, plastic o glass chips at iba pa.
Kinokonsidera din ang epekto ng radiation bilang isa sa mga nagpapahina ng ating katawan.
Maaaring mangyari ang kontaminasyon ng pagkain sa produksyon, distribusyon at preparasyon. Hindi lahat ng restaurant ay sumusunod sa batas na may kaugnayan sa food safety.
Gayunpaman, kailangang sumunod ang mga Food Business Operator sa Republic Act 10611 o mas kilala sa tawag na Food Safety Act of 2013.
Maaari ding mag-implement ng internationally accepted standards tulad ng HACCP (Hazard Analysis and Critical Control Points) upang maging guide at matugunan ang mga isinasaad sa batas at maipagkaloob sa konsyumer ang malinis at ligtas na pagkain o tubig.
Dear readers, kinakailangang maging responsable at mapanuri upang maging ligtas tayong lahat sa mga kakainin at iinumin.
∞∞∞
Para sa inyong mga komento, suhestiyon, at sumbong, mag-email lamang sa [email protected].






