
PATULOY na “ginugulo” ni US President Donald Trump ang “nakalatag” na ‘global agenda’ ng mga elitista, katulad ng pananakot sa publiko hinggil sa ‘climate change’ at kahalagahan nang tuloy-tuloy na giyera sa Ukraine sa ngalan ng “demokrasya.”
Mistulang “mabait na tupa” si Klaus Schwab at mga katulad niyang bilyonaryo at ‘organizer’ ng ‘World Economic Forum’ na hindi nakapiyok nang magsalita si Trump nitong Huwebes kung saan tinawag niyang “scam” ang nilalakong ‘New Green Deal’ ng mga globalista para umano labanan ang climate change na para kay Trump ay isang panloloko (“hoax”).
Sira ang kamada ng WEF na mapatigil ang paggamit ng langis at krudo para mapatakbo ang lahat ng ekonomiya at sasakyan sa mundo. Ayon kay Trump, “tuloy” ang kanilang ‘oil drillings’ at ang paglayas ng US sa ‘Paris Accord’ na inilako ni Barack Obama sa mundo noong 2005 bilang suporta sa ‘green energy transition.’
At mabuti, walang inatake sa puso nang sabihin ni Trump na seryoso siyang mapatigil ang giyera sa Ukraine hindi sa punto de bista na gabundok ang kinikita rito ng mga globalista, bagkus, sayang ang buhay ng milyones na namatay na sa digmaan.
“Masakit sa tenga”— at sa bulsa— ng mga globalista ang mga sinabi ni Trump. Taliwas ito sa kanilang interes na pagkakitaan ang bawat giyera sa mundo at kahit na ang ating kapaligiran (‘environment’) sa ngalan nang paglaban sa climate change.’
Binaklas na rin ni Trump sa Amerika ang ‘diversity, equality, inclusivity’ o DEI na “pakulo” rin ng WEF pabor sa ‘third sex’ at ang ‘borderless migration’ na sila rin ang nagplano.
Dalawang beses tinangkang patayin si Trump noong panahon ng kampanya dahil “nginig” ang mga globalista sa kanyang plano na ibalik ang ‘sentido-kumon’ (common sense) sa pamumuno at unahin ang interes ng mga ordinaryong Amerikano.
Kung magtagumpay sila ngayon, hindi tayo magtataka.