BINABATI ng inyong Pakurot ang ating kaibigan sa halos labindalawang taon na si PMaj Manuel M. Laderas, bagong talagang hepe ng Quezon City – Highway Patrol Group.
Dahil, sa larangan ng serbisyo publiko, may mga taong nagiging huwaran ng tunay na dedikasyon at dangal. Isa na Riyan si Laderas na hindi lang hepe ng QC-HPG subalit assistant chief ng National Capital Region- HPG sa ilalim ng pamumuno naman ni PLtCol Joey Caise.
Mabuhay kayo Sir Caise, NCR-HPG chief at Sir Laderas. Kabilang kayo sa mga bihirang lider na nagpapakita ng puso, sikap, at integridad sa bawat tungkulin—isang halimbawang dapat kilalanin.
Hindi lamang trabaho para kina Caise at Laderas ang sinumpaang tungkulin; ito ay misyong pinag-uukulan ng buong puso. Mula sa paggabay sa mga kasamahan hanggang sa pagharap sa mahihirap na hamon, ang kanilang sigasig ay nakahihikayat. Ang kanilang dedikasyon ay hindi lamang sa salita—kumikilos sila nang may tunay na pagmamalasakit.
Si Laderas, hindi nagtitipid ng pagbibigay serbisyo sa mamamayang nangangailangan ng kanyang trabaho. Masinop siya sa bawat detalye, sapagkat iyan ang natutunan niya noong siya ay nakatalaga sa Intelligence Unit. Bukod pa sa kanyang magpunyagi para sa ikagaganda ng trabaho ng kanilang grupo. Ang kanyang disiplina at pagpupursigi ang nagtuturo sa iba: ang tunay na tagumpay ay nabubuo sa patuloy na paggawa nang tama.
Si Caise, lider na may pakiramdam. Nagsisilbi siyang halimbawa ng integridad—iginagalang ang bawat tao, maging sa mga pinakamahirap na sitwasyon. Ang kanyang paninindigan sa etika at mapagkumbabang pag-uugali ay nagpapaalala na ang tunay na kapangyarihan ay nabubuhay sa respeto, hindi sa posisyon.
Sa inyong dalawa, Major Laderas at LtCol Caise, salamat sa pag-alab ng diwa ng serbisyo nang may puso at dignidad. Malamang, ang inyong husay at maayos na trabaho ay mula rin kay PCol Hansel Marantan, HPG chief.
Manatili nawa kayong tunay na lider na nakilala sa gawa at hindi sa salita. Naniniwala ang inyong lingkod na kayo ay magiging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.






