Home NATIONWIDE Ikalawang Konsyerto sa Palasyo gaganapin sa Agosto 6

Ikalawang Konsyerto sa Palasyo gaganapin sa Agosto 6

MANILA, Philippines – KAABANG-ABANG ang pagbabalik ng Konsyerto sa Palasyo (KSP) sa darating na Linggo, Agosto 6 na naglalayong magbigay-pugay sa mga atletang Filipino.

Tinatayang mahigit sa 300 Philippine athletes ang magiging bahagi ng audience bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap na magdala ng “pride and honor” sa bansa.

“Konsyerto sa Palasyo: Para sa Atletang Pilipino is a project of the Office of the President (OP), Presidential Communications Office, and Radio Television Malacañang (RTVM),” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ang konsiyerto ay magsisimula alas-6:30 ng gabi.

Ang pangalawang KSP ay magtatampok sa tinaguriang powerhouse vocalists na sina Chloe Redondo, Emman Buñao, Jopper Ril at Kevin Traqueña.

Sinabi pa ng PCO na kasama rin sa Konsyerto ang KonBeatbox artists na sina Adrian “AD BEAT” Ferrer at Neil Rey Llanes.

Mayroon namang special performance mula sa The Voice France Season 8 four-chair turner Aivan Mendoza at mula sa champion na acapella group PINOPELA mula sa Baguio City Special.

Ang professional dance group Douglas Nierras Powerdance ang inatasan na tumiyak sa listahan ng mga performers.

“The featured performers have mostly had viral videos on social media and were chosen for their remarkable talent and artistry,” ayon sa PCO.

Ang Konsyerto ay ila-livestream sa pamamagitan ng official Facebook pages ng Konsyerto sa Palasyo at RTVM.

Isang live broadcast ang available sa YouTube channel ng RTVM.

Ang inisyatibang ito ng OP, ang concert series ay nagsimula noong Abril 2023 para suportahan ang creative industries, lalo na matapos ang pandemiya.

Layon ng programa na makahanap ng local artists na natatangi sa kani-kanilang larangan at bigyan ang mga ito ng spotlight sa “People’s Palace.”  Kris Jose