Home OPINION IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL SCAM, SAAN NA PATUNGO?

IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL SCAM, SAAN NA PATUNGO?

288
0

PALALIM nang palalim ang nahuhukay na mga baho o sekreto kaugnay sa maanomalyang flood control projects at ang mga lumalabas na katotohanan ay kung pakaiisipin mo ay posible lang sa panaginip.

Pero hindi. Ang sinasabi ng mga lumulutang sa Senado upang maghayag ng kanilang nalalaman ay tumutugma naman sa pahayag ng bawat isa lalo na pagdating sa delivery ng male-maletang pera na ayon mismo kay Bulacan 1st District Engineer ay naglalaman ng halos P30 milyon hanggang P50 milyon.

Nakapanlalaki ng mata dahil akalain mong ipinagkakatiwala lang ng mga opisyales ng Department of Public Works and Highways sa kanilang mga tauhan ang pagdadala ng pera papunta kay Congressman Elizalde Co at umano’y kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Napaisip tuloy ako. Paano kaya kung itinakbo o binawasan nitong mga naghatid ang maletang kanilang dala-dala? O kaya nama’y natuksong bawasan? Saan kaya dadamputin ang mga ito? O baka naman hindi na nakita ang kanilang mga bangkay tulad ng nangyari sa “missing sabungeros”.

Eh hamak na mas maliit ang perang umano’y nakupit nitong mga sabungero mula sa operasyon ng ‘online sabong’ subalit buhay nila ang naging kapalit kaya naman ang pamilya nila hanggang ngayon ay hindi natatahimik dahil hindi na nakita pa ang kanilang bangkay.

Balikan natin ang flood control. Naisip ko lang na kung hindi nagsasabi ng totoo ang mga lumutang sa Senado at House of Representatives, hindi ba sila natatakot para sa kanilang buhay at sa buhay ng kanilang pamilya?

Palagay ko, nagsasabi ang mga ito ng totoo sapagkat batid nila na paglutang nila para maimbestigahan ay tiyak na nalalagay sa balag ng alanganin ang kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

Sana nga, pangalanan na nila ang mga sangkot nang sa ganoon ay lumabas na ang katotohanan, makasuhan ang mga ito, maparusahan at makulong. Dahil ang pagpaparusa sa mga ito o kapag nakulong ang mga ito, baka posibleng mabalik ang tiwala ng taumbayan sa mga namumuno sa bayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here