
MAY nabasa tayong komentaryo sa mga kaganapan (daw) sa Calabarzon, kung saan idinadamay sa mga iligal na transaksyon ang National Bureau of Investigation.
At kahit saang anggulo natin sipatin, NBI director Judge Jaime Santiago (belated happy birthday ulit, Judge!), masyadong “sinalsal” ang bintang kaya lalong hindi kapani-paniwala.
Personal nating kilala si Calabarzon NBI regional director Atty. Olivo Ramos na dating Laguna District Office director kung saan ‘andami naming napagtulungang mga kaso at istorya. Kaya nga noon, napagkamalan na tayong “miyembro” ng NBI LAGDO.
‘Up front and personal,’ ay saksi tayo sa propesyonalismo at integridad ni Atty. Ramos.
Translation? ‘Deserving’ siya sa ano mang tagumpay niya ngayon dahil “bunga” ito ng kanyang dedikasyon at katapatan sa serbisyo.
‘Up front and personal’ din nating nakita ang propesyonalismo at dedikasyon ng mga operatiba ng NBI. Take note: NBI ang katulong ko, bilang PTFoMS ED, nang maresolba natin ang pagpatay kay Mindoro broadcaster Cris Bundoquin noong 2023.
Halos 2-dekada tayong ‘nag-cover’ sa Calabarzon. At kahit minsan, hindi natin “natisod” na “sabit” ang NBI sa mga koleksyon sa mga perya, “paihi” at higit sa lahat, sa iligal na droga.
Ang ‘usual suspect’ sa mga ganyan, kung hindi media (sa mga perya), mga ‘uniformed personnel’ din. Pero siguradong hindi NBI at hindi rin Philippine Army, tama ba, ‘Miss Biscocho?’
Sadyang ‘deserving’ si Atty. Ramos sa kanyang bagong responsibilidad ngayon. At kung may “naglalaway” sa kanyang puwesto, eh, “pumarehas” kayo at daanin sa merito, hindi sa intriga na walang kwenta, hane?
At kung kaya idinadawit sa iligal eh, dahil nga matino at ayaw magpa-areglo, sa mga intrigero babalik ‘yan! Dangan kasi, totoo ang karma!
Abangan!