Home OPINION ISRAEL, BAKIT ‘DI MAAWAT SA PANGGUGULO SA MIDDLE EAST?

ISRAEL, BAKIT ‘DI MAAWAT SA PANGGUGULO SA MIDDLE EAST?

349
0

KATULAD ng Ukraine na pambobola lang ang kagustuhan sa ‘ceasefire’ at kapayapaan, muling pinatunayan ng Israel na ito ang panganib sa kapayapaan sa buong ‘Middle East’ matapos atakihin ang Iran madaling araw kahapon, Biyernes.

Katulad pa rin ng Ukraine, nagsisinungaling ang Israel nang sabihin na mga ‘military/nuclear sites’ lang ng Iran ang inatake nito at hindi mga sibilyan dahil naglabasan na ang mga ‘video’ kung saan kahit mga ‘civilian infrastuctures’ sa Tehran, Iran, ay pinababagsakan ng mga bomba.

Malaking sampal kay US President Donald Trump ang pag-atake ng Israel dahil nangyari ito ilang araw lang bago ang susunod na negosasyon ng ‘Tadong Unidos at Iran para daanin sa diplomasya ang pagresolba sa mga isyu hinggil sa ‘nuclear program’ ng Iran.

Kumbaga, sinadyang isabotahe ng Iran ang pagsisikap ni Trump na ‘diplomatic solution’ dahil gusto talaga ng Israel na palaging magulo at may giyera sa Middle East.

Bakit kanyo? Ito ay upang makamit ang ‘strategic objective’ nito na palawakin ang teritoryo ng Israel– mula sa mga inagaw na lupa sa mga Palestino sa Lebanon hanggang sa mga teritoryo ng Egypt, Syria, Iraq, Jordan at Saudi Arabia.

‘Greater Israel’ ang tawag dito ng mga ‘Zionists’ na kinakatawan ni Israel Prime Minister Benjamin “ Bibi” Netanyahu– isang Israel na mas malawak pa sa teritoryong sinakop noon ni Haring David at anak na si Haring Solomon. At ang “nakaharang” sa imperyalistang ambisyong ito ay ang mga bansang katulad ng Iran na sa Lumang Tipan (‘Old Testament) ay Imperyong sumakop sa Israel at ginawa pa silang mga alipin.

Ito ang konteksto, mga kabayan, sa ipinapakitang agresyon ng Israel sa buong Middle East, agresyon na kahit ang mga Amerikano ay mistulang wala nang magawa ngayon.

At ano naman kaya ang paghahanda natin? Asahan na kasi ang muling pagsipa pataas ng presyo ng krudo at gasolina kaya “yari” na naman ang ating ekonomiya.

Paano rin pala ang ating Overseas Filipino Workers sakaling lumawak pa ang giyera sa Middle East na siya naman talagang gustong mangyari ng Israel?

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here