Home NATIONWIDE #JusticeForKillua ipinanawagan ng netizens

#JusticeForKillua ipinanawagan ng netizens

MANILA, Philippines — Trending ang hashtag na #JusticeForKillua sa social media trends nitong Martes, Marso 19, kasabay ng pagkondena ng netizens sa brutal na pagpatay sa isang golden retriever na kalaunan ay natagpuan sa loob ng sako ng kanyang amo sa Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang amo ni Killua na si Vina Rachelle kung saan inilahad niya na pinatay umano ang kanyang aso ng isang lalaki na nagsabing agresibo ang golden retriever.

“Mahal na mahal ko yan. We found his lifeless body inside a sack,” saad ni Vina Rachelle sa kanyang post sa Facebook.

“For the information of everyone, hindi yan nakalabas kasi bukas ang gate. The gate was locked. tumaas siya tapos nahulog ata, we don’t exactly know what happened. He was probably anxious and stressed, hindi siya sanay sa labas kasi sa loob lang yan ng bahay palagi. Kaya, no, hindi namin binuksan yung pinto kaya nakalabas,” aniya pa.

Dagdag pa ni Vina Rachelle na kahit na nakagat umano ni Killua ang nasabing pumatay sa kanya ay “hindi sapat na dahilan upang patayin ang aking sanggol.”

Nakita sa kuha ng CCTV na tila sinusubukang takasan ni Killua ang lalaking humabol sa kanya.

Ang hashtag na #JusticeForKillua ang nangungunang trend ng Pilipinas sa X, ang dating Twitter, na may 32,000 posts noong bandang 5:30 p.m. RNT

Previous article‘YANG ASIN
Next articleMansyon ni Willie sa Tagaytay naibenta ng P3B