SABI ng isang Congressman na ayon sa Philippine Statistics Authority karamihan sa mga individual na diumano ay nakatanggap ng confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ni Vice President Sara Duterte ay walang birth records.
Pero ayon sa PSA din na “A person without a birth certificate IS NOT PROOF that they do not exists”
Ibig sabihin kung ang batayan mo lang na non-existent ang isang tao ay walang record of birth hindi nangangahulugan na non existent siya. Bakit?
According to the PSA, “approximately 3.7 million Filipinos, including 1.4 million children aged 0 to 14 have no birth certificate. So, malakas na ebidensya ba ang nakuha ni Congressman laban kay VP Sara?
Pero pagpalagay mo na “non-existent” ang mga pangalan na diumano’y tumanggap ng funds. Ibig sabihin ba na wala talagang taong tumanggap?
Mahahalintulad ba ito sa “ghosts employees” ng mga politiko o “ghosts recepients” ng AKAP, TUPPAD at iba pa?
Sabi ni Senator Ping Lacson na quoted ng Inquirer:
“Public officials who seek to use confidential and intelligence funds must submit a proposal detailing how they intend to spend money. While they may use codes or aliases to protect their informers, there should be a paper trail ensuring THE INFORMERS’ IDENTITIES CAN BE VERIFIED.
Kaya sa confidential funds maaaring “alias” ang ginamit nang nakatanggap para manatiling confidential siya pero dapat may paraan sa batas para malaman kung saan ginamit ang pera at sino talaga ang gumamit.
Ano ang maaring mapatunayan ng mga nakuhang data ni Cong? Na ang mga indibidual ay walang records sa PSA. Period.