Home ENTERTAINMENT KDLex, ‘inagaw’ na ang korona sa DonBelle!

KDLex, ‘inagaw’ na ang korona sa DonBelle!

Manila, Philippines – Sa katatapos lang na Star Magical Prom 2024 ay sina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala bilang KDLex ang tinanghal bilang Prom Queen and Prom King.

Nakuha nila ang top award matapos umani ng pinakamaraming boto mula sa publiko, lalo na sa kanilang mga tagahanga.

Ang KDLex ang pumalit kina Donny Pangilinan at Belle Mariano na nakuha ang nasabing titulo last year.

Sobrang happy siyempre ang magka-loveteam sa award na natanggap nila, lalo na’t ngayong taon lang ang first-ever prom nilang dalawa.

Ibinunyag nila ‘yan mismo nang rumampa sila sa ivory carpet ng event, ayon na rin sa ulat ng ABS-CBN.

Sabi ni KD, “Actually this is my first prom ever, like ever. I never experience high school prom. It’s like healing our inner child and we are also feeling a bit youthful tonight.”

Ayon naman kay Alexa, “Actually this is also my first legit prom because when I was in high school what we had, they called it High School Night. So I wouldn’t say it’s the same thing.

“Pero ito ‘yung first na prom talaga with KD. So very happy because it’s another first for the two of us,” sabi pa ng aktres.

Bukod sa nabanggit na parangal, nakuha rin nina KD at Alexa ang Best Promposal award at Couple of the Night.

O di ba, bongga ang KDLex, tatlo ang awards nila? Rommel Placente

Previous articleD’Angelo Russell, Lakers nagpaulan ng 3s vs Hawks
Next articlePagpasa ng Maritime Zones Law, ikinagalak ni Sen. Tolentino