Home METRO Kelot iginapos at tinodas sa hotel sa Cubao

Kelot iginapos at tinodas sa hotel sa Cubao

323
0

MANILA, Philippines – Iginapos muna bago pinatay ang isang 38-anyos na lalaki makaraang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng isang hotel sa Cubao, Quezon City nitong nakalipas na Agosto 28, 2025 (Huwebes) ng gabi sa naturang lungsod.

Ang biktima ay natukoy bilang isang binata at residente ng Marikina.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natagpuan ang walang buhay na bangkay ng biktima sa isang Hotel sa Annapolis Street Barangay E. Rodriguez, Cubao, QC dakong 8:12 ng gabi nitong nakalipas na Huwebes.

Sinabi sa ulat ng pulisya na regular guest costumer umano ang biktimang sa naturang hotel at nitong Agosto 27, 2025 dakong alas 7:30 ng gabi pumasok umano ang biktima sa naturang establisyemento kasama ang dalawang lalaki para mag-check in.

Nabatid pa sa ulat na nang matapos na ang oras ng biktima sa kanyang inupahang kuwarto dakong 7:30 ng gabi nang tawagan ng receptionist ang room 310 upang ipaalam na matatapos na ang oras ng kanilang pananatili sa naturang establisyemento.

Ayon pa sa ulat sinikap ng hotel room attendant at security guard na katukin ang kuwarto ng biktima subalit walang sumasagot kung kayat dito na ginamitan ng duplicate key ang kuwarto.

Dito na tumambad ang walang buhay na bangkay ng biktima na nakagapos ang kamay at paa.

Sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng QC police sa pamumuno ng QCPD OIC PCol. Randy Glenn Silvio agad nadakip ang suspek na si alias James, 20-anyos at residente ng Bulacan na nadakip dakong 10:45 na umaga sa harap ng Jollibee Bagong Barrio, Brgy. 139, Caloocan City.

Habang nadakip naman ang isa pang suspek na si alias Michael, 30-anyos at residente ng Pasay City na nadakip ng mga pulis sa Bulacan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here