Home METRO Lalaki, utas sa pananaksak ng kainuman sa Quezon

Lalaki, utas sa pananaksak ng kainuman sa Quezon

178
0

QUEZON, Philippines – Tuluyang nang namahinga sa paginom ng alak ang isang mister makaraang magpaalam na magpahinga muna ito at pagtatagain ng kainuman nito, kahapon sa Barangay Batong Dalig, Gumaca, Quezon.

Kinilala ang bikrima na si alyas Florante, nasa hustong gulang, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na agarang ikinasawi nito.

Samantalang ang suspek na nakilala sa alyas Manolito, nasa hustong gulang, residente ng naturang lalawigan ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad na mabilis na tumakas sa pinangyarihan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Gumaca Municipal Police Station, dakong alas-2:30 ng hapon, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang ilan pang kaibigan nito. Nagpaalam umano ang biktima na magpapahinga muna ito at umalis sa inuman. Napag-alaman na mabilis din umanong nagpaalam ang suspek sa mga kainuman nito at walang kamalay-malay ang biktima na sinundan na ito ng suspek. Bago pinagtataga ng suspek ang biktima gamit ang isang bolo, galit na sinabihan nito ang biktima ng “Patay ka ngayon”.

Nabatid sa ulat na natagpuan na lang umano ng dating konsehal ang bangkay ng biktima na duguan at wala ng buhay, samantalang matapos ang isinagawang krimen ng suspek ay mabilis itong tumakas patungo sa hindi matukoy na direksyon dala ang ginamit na armas sa pagpatay sa biktima. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here