Home NATIONWIDE Libo-libong deployment offers sa Germany, Czech Republic ipoproseso ng DMW

Libo-libong deployment offers sa Germany, Czech Republic ipoproseso ng DMW

MANILA, Philippines – Libu-libong mga skilled workers ang maaaring makinabang sa pagbubukas ng mga trabaho sa Germany at Czech Republic sa hinaharap.

Ang mga kasunduan para sa lehitimo at maayos na deployment ng mga manggagawa ay pinoproseso na ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) alinsunod sa working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Kailangan nila [ng manggagawa] sa manufacturing [at] kailangan nila [ng manggagawa] sa mga engineering works, construction,” sabi ni DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Caunan.

Idinagdag ng DMW na nakatakda silang makipag-usap sa mga labor officials sa Czech Republic sa pagbisita ng Pangulo sa nasabing bansa.

“They are alloting ten thousand working visas for Filipinos for this year across industries. Paano natin itong gagawin tong ten thousand? Ano ba tong workers na ito and ano yung mga recruitment modalities na gagawin natin at tsaka siguro istress natin yung fight against illegal recruitment,” dagdag pa ni Caunan.

Ayon sa DMW, target nilang bumuo ng mga kasunduan sa pagitan ng pamahalaan kasama ang Germany at Czech Republic.

Bagama’t wala pang inaalok na job order para sa mga nasabing bansa, pinapayuhan ng DMW ang mga aspiring candidate na magsikap sa iba’t ibang kasanayan at kumuha ng mga sertipikasyon mula sa TESDA.

Pinayuhan din nila ang publiko na huwag mahulog sa mga recruitment scam sa social media at mag-apply lamang sa pamamagitan ng DMW website. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDA may sapat na rice buffer stock sa El Niño
Next articleChocolate Hills resort pansamantalang magsasara