Home OPINION MAHIGIT 83 MILLION FILIPINOS,  REHISTRADO NA SA NATIONAL ID SYSTEM

MAHIGIT 83 MILLION FILIPINOS,  REHISTRADO NA SA NATIONAL ID SYSTEM

Itinatadhana ng Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act, na ang national ID ang government’s central identification platform for all citizens and resident aliens.
Nauna ng naglabas ng memorandum circular ang Pangulo na nag-uutos ng paghahanda para sa national agencies at local government units sa implementasyon ng national ID.
Kabilang ito sa pangunahing ID’s na kinikilala ng bansa kasama ang professional license, driver’s license at passport.
Iniulat ng PSA o Philippine Statistics Authority na umabot na sa 83.10 million ang bilang ng mga Pilipinong nakapagparehistro sa Philippine Identification System sa tinatayang 110 million na populasyon.
Sa bilang na ito, nasa 48.46 million ang nagawaan na ng ID at naipadala sa PHLPOST o Philippine Postal Corporation.
Nasa 45.64 million ang aktuwal na nabigyan na ng ID habang nasa 44.53 million ang binigyan ng electronic ID ng PSA.
Sinimulang mamahagi ng eID noong taong 2022 matapos na naging mabagal ang pag-imprenta at paghahatid sa mga national ID. Nagagamit naman ang eID at mahigpit ang mga pa­mamaraan para makuha ito.
Dahil sa eID ay nabawasan ng malaki ang “gap” sa bilang ng mga nagparehistro at sa aktuwal na nakakuha ng ID.
Pagseseguro naman ng PSA, makukuha rin ng mga nabigyan ng eID ang kanilang national ID na patuloy na iniimprenta ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa tantiya ng PSA ay hanggang September 2024 ay mahahawakan na ng lahat ng nagparehistro ang kanilang mga national ID.
Sa mga patuloy na naghihintay ng pagdating ng kanilang national ID, muling nagpapaalala ang PSA na dapat na ingatan ang inyong PHILSYS registration transaction slip dahil kakai­langanin itong ipakita sa pag-deliver sa inyong ibinigay na home address ang inyong national ID.
Sabi pa ng PSA, huwag na huwag i-post sa social media ang inyong transaction slip para maingatan ang inyong mga perso­nal information. Maaari kasing may manamantala sa inyong mga datos.
Ang PHLPOST ang siyang partner ng PSA para magdadala sa inyo ng inyong ID, maliban sa transaction slip, kailangan pang magpakita ng isang valid ID. Tatlong beses lamang magtatangka ang delivery man na maihatid ito sa inyo.
Kung sakaling hindi kayo magkatagpo o walang tumanggap sa tatlong pagkakataon, maaari itong makuha sa pinakamalapit na Post Office sa inyong home address sa loob lamang ng 30 days.
Tandaan po, para sa inyong proteksyon, huwag basta-basta ibibigay kanino man ang inyong mga personal na impormasyon o ng inyong kasama sa bahay o kaibigan.
Sabi nga ng PSA at PHLPOST, konting paghihintay na lamang at mahahawakan na ng bawat Filipino ang kanilang national ID.

Previous articlePadre de pamilya, patay sa sunog sa Navotas
Next articleBEACHES, RESORTS BANTAY-SARADO NG  CL BAYWATCH COPS