Home OPINION LOCALIZED PEACE TALKS ANG KAY BOYING

LOCALIZED PEACE TALKS ANG KAY BOYING

NOONG isang linggo, mismong kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na nanggaling, na pinaka-mainam na paraan ang pagsasagawa ng ‘localized peace talks’ para wakasan ang higit limang dekadang insureksiyon ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Ang sabi ni Boying,  ang pagsasagawa ng localized peace talks ng pamahalaan ay malaking kaparaanan para malaman kung ano ang talagang nangyayari sa ibaba. Maitutuon nang todo ang atensiyon ng gobyerno sa mga lugar na dating pinipeste ng mga komunistang-terorista, para maibuhos doon ang nga kinakailangan ng mga mamamayan para sa kanilang kaunlaran.
Kaya naman kasi pineste ng mga CPP-NPA-NDF ang ating mga kanayunan ay dahil sa kahirapang dinarananas ng ating mga kababayan doon. Sinamantala ito ng mga komunistang-terorista at ginamit pa ang kahirapang upang lalong silaban ang mga damdamin ng mga residente roon para sumuporta sa kanila.
Kaya para kay Secretary Boying, mas mainam na bumaba na rin doon ang pamahalaan at gamitin ang localized peace talks upang maipakita sa ating mga kababayan sa mga kanayunan na katuwang nila ang pamahalaan sa kanilang pag-unlad. Maidudulog ng mga residente ang kanilang mga hinaing, kagustuhan at mga pagnanais na maisakatuparan para sa kanilang lugar.
Tinuran nga ng ating DOJ Secretary na gawin ang localized peace talks sa mga probinsiya ng Samar, Bicol, parte ng Negros, at iba pang bahagi ng Mindanao, dahil naroroon pa ang mga natitirang miyembro ng CPP-NPA-NDF.
Sa localized peace talks nga naman, malaman ng pamahalaan ang talagang damdamin ng mga naninirahan sa mga kanayunan. Ano ang kanilang mga pangangailangan upang maiangat sila sa kahirapang at di na mapagsamantalahan ng mga komunistang-terorista.
Kasi kung sa pambansang usapang pangkapayapaan idadaan ng pamahalaan eh pihadong gagamitin lang ito ng mga CPP-NPA-NDF para makahingi pa ng pondo sa mayayamang mga bansa na kanila rin naloloko.
Kaya para kay Remulla, bago ipatupad ang binabalak ni Pangulong Bong Bong Marcos na pagbibigay ng ‘amnesty’ sa mga komunistang-terorista, kinakailangan malaman din muna ang mga kalagayan ng ating mga kababayan, sa mga lugar na dating pineste ng mga CPP-NPA-NDF.
Ito ang magpapalaya sa ating mga kababayan sa mga kanayunan di lamang sa kamay ng mga komunistang-terorista kundi pati sa kahirapan.
Sang-ayon din ako sa pamananaw na ito ni Secretary Boying. Mabuhay ka Sir!