Home NATIONWIDE Seguridad sa SoKor hinigpitan kasunod ng stabbing incident

Seguridad sa SoKor hinigpitan kasunod ng stabbing incident

253
0

SOUTH KOREA – Pinaigting ang seguridad sa South Korea kasunod ng stabbing incident sa naturang bansa.

Mismong si South Korean President Yoon Suk Yeol na nitong Biyernes, Agosto 4 ang nag-utos na ihanda ang lahat ng pulisya, sabay nagbabala na hindi ito magdadalawang-isip na gumamit ng armas sa oras na may ganito ulit na pangyayari.

Matatandaan na naitala ang ikalawang mass stabbing incident nitong Huwebes sa Bundang, 20 kilometro ang layo mula sa Seoul, kung saan ang pinatakbo ng attacker ang kanyang sasakyan sa pedestrian walkway bago nanaksak ng mga tao sa isang department store roon.

Dalawa katao ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon.

“The indiscriminate knife-wielding attack at Seohyeon Station is an act of terrorism against innocent citizens,” pahayag ni Yoon.

“The government must mobilize all police forces to make sure the public does not feel anxious,” dagdag pa niya na tila may pagbabanta.

Ilang oras matapos ang sinabi ng Pangulo, isang guro naman ang iniulat na sinaksak sa Daejeon, 139 kilometro ang layo sa Seoul.

Ang dalawang pag-atake ay kasunod lamang ng July 21 incident kung saan isang indibidwal ang nasawi at tatlo ang sugatan sa stabbing incident sa Seoul.

“We will maximise the use of police forces, such as local police, riot police units and detectives,” pahayag ni Yoon Hee-keun, commissioner general ng National Police Agency, nitong Biyernes, Agosto 4.

“Selective searches and questioning will be conducted, following legal procedures, for suspects carrying knives or exhibiting unusual behaviour,” dagdag niya. “We ask for the public’s understanding and full cooperation.”

Sinabi naman ng justice ministry ng Seoul na pinag-aaralan nila ang proposal na ipakilala ang “non-parolable life sentence” sa criminal law bilang tugon sa naturang mga krimen.

Kilala ang South Korea na may mababang murder rate na 1.3 sa bawat 100,000 katao noong 2021. RNT/JGC

Previous articleCaloocan launches its ‘Kadiwa Bagsakan Center’
Next articleLOCALIZED PEACE TALKS ANG KAY BOYING

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here