Home NATIONWIDE Love scam dumarami bago mag-Valentines; PNP nagbabala

Love scam dumarami bago mag-Valentines; PNP nagbabala

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa “love scams” ​​habang dumarami ang online crimes bago ang Araw ng mga Puso.

“As we celebrate the month of February, dedicated to love, it is crucial to remain vigilant in the realm of cybercrime and protect ourselves and our loved ones from falling victim to love scams,” babala ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isang press briefing.

Sinabi ni Acorda na dumami ang mga online crime, kabilang ang 439 online selling scam cases, 113 investment scam cases, at 102 debit at credit card fraud at phishing cases.

Mula Enero 3 hanggang Pebrero 8, sinabi ni Acorda na ang Anti-Cybercrime Group ng PNP ay nakapagsilbi na ng 29 na arrest warrant at nagsagawa ng 15 entrapment operations.

Kabilang sa mga laganap na cybercrimes ay 749 kaso ng online scamming, 368 kaso ng illegal access, at 147 kaso ng online libel, dagdag ni Acorda. Santi Celario

Previous articlePayout sa TUPAD beneficiaries pinangunahan ni Supremo
Next articleNPA leader utas sa militar sa Leyte