Home ENTERTAINMENT Luis, ‘nagpaparamdam’ na sa Lipa!

Luis, ‘nagpaparamdam’ na sa Lipa!

Manila, Philippines – Will Luis Manzano inevitably take the political route as did his parents?

Kaya ba lie low muna si Luis sa showbiz ay bilang paghahanda sa pagpalaot niya sa pulitika?

Hindi pa man ay maugong na tatakbo bilang mayor ng Lipa City sa Batangas si Luis.

Matatandaang ito ang point of entry ng kanyang butihing inang si Vilma Santos.

Matiwasay na naitawid ng Star for All Seasons ang kanyang straight na tatlong termino as mayor.

After which ay natapos din ng aktres ang kanyang three terms as Batangas Governor.

Bilang representative ng Lipa sa Kongreso ay ganoon din.

Hindi kataka-taka that Vilma–now a private citizen–is grooming his son along that path.

Kamakailan nga’y “nagparamdam” na si Luis sa mga Lipeño.

He graced the inauguration of Bolbok Elementary School.

Sobrang mainit ang naging pagtanggap ng mga school heads sa mister ni Jessy Mendiola.

“Galawang” pulitiko nga ang mga kilos ni Luis na magiliw sa mga tagaroon.

Judging the people’s reception, mukhang “makakasilat” si Luis kung totoo ngang tatakbo siya bilang mayor ng Lipa City.

Kung meron mang mga proyekto roon si Ate Vi na hindi naisakatuparan, si Luis na ang inaasahang tatapos ng mga ‘yon.

Sa October ang nakatakdang filing ng Certificate of Candidacy para sa 2025 mid-term elections.

Will Luis finally take a political plunge with his mom’s full backup?

Abangan! Ronnie Carrasco III

Previous articleProteksyon ng OFWs sa Germany isinulong
Next articleExtortion allegations pinabulaanan ng LTO Calabarzon chief