Home OPINION LUMILINDOL KAHIT SAAN KAYA MAGHANDA

LUMILINDOL KAHIT SAAN KAYA MAGHANDA

2
0

MAKARAAN ang isang malakas na lindol sa ating bansa, partikular sa Mindanao, naganap din ang malalakas na lindol sa ibang bansa.

Sa Venezuela, nagkaroon ng magkasunod na lindol na magnitude 7.2 at 7.5 at marami ang nagibang gusali.

Sa Japan naman, may naitalang magnitude 6.9 ngunit inaalam pa kung may napinsala o wala na buhay at ari-arian.

Sa Pinas, nakataas ang mga babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology laban sa magnitude 7.2 na “The Big One” mula sa West Valley Fault.

Maaari umanong may masawi agad na 30-50 libo lalo na kung maganap ito sa gabi na tulog ang lahat, pwera pa ang nasa 100,000 sa Bulacan na sasagasaan ng 30 metrong taas ng tubig mula sa Angat Dam kung madamay at magiba ito.

Magiging malakas ang pagyanig nito dahil may babaw lamang itong 0-5 kilometro at may nakikitang bitak ito sa Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, at Muntinlupa.

Pero apektado ang buong Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Inihayag naman ng Office of Civil Defense at Phivolcs na laging maghanda sa posibleng paglindol mula sa Eastern Luzon Trench na malapit lang sa baybayin ng Cagayan, Isabela at Quezon.

Maaaring aabot umano sa magnitude 8.5 ang lindol dito at lilikha ng tsunami na 100 piye ang taas na delikado sa lahat ng mga nakatira sa tabing dagat at maliliit na islang malapit.

Maging ang Tuguegarao City na 120 kilometro lang ang layo sa trench ay posible umanong matamaan kaya dapat umanong magkaroon na ng mga inspeksyon sa lahat ng mga gusali sa lugar upang malaman kung ano-ano ang mga gagawin, kasama ang pagpapalakas sa mga gusaling alanganin ang lakas laban sa napakalakas na lindol.

Ito’y para maprotektahan na rin ang maraming buhay sa lugar na sentro ng negosyo, ospital, panrehiyong opisina ng pamahalaan at eskwelahan sa buong Cagayan Valley.

Dapat lagi tayong maghanda laban sa lindol.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here