Home OPINION BAKIT MATAGAL IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA?

BAKIT MATAGAL IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA?

2
0

HUMINGI ng 62 trial dates ang prosecution at 30 naman ang depensa para ipresenta ang kanilang ebidensya. Marami ang nagtatanong: Bakit sabi dati ni Bicol- Saro Partylist Representative Terry Ridon ay isa hanggang dalawang buwan lang? Marahil iyon ang tantsa ni Ridon sa pagpresinta nila ng ebidensya. Pero wala pa ang sa depensa.

Wala bang provision sa Saligang Batas kung ilan araw lamang ang impeachment trial? Wala. Hindi katulad sa pagsasampa ng reklamo sa House of Representatives at pagdala ng House sa Senate may Constitutional provisions kung ilang araw dapat. Sa TRIAL PROPER ay wala. So, marahil ay lalampas pa ng tatlong buwan ang paglilitis.

Sa kasalukuyan ay nasa pre-trial stage pa lamang. Hindi po kasama ito sa trial dates. At dapat matapos bago magsimula ang trial sa July 6 2026.

Totoo bang may mananalo na kampo sa pre-trial stage. Wala. Kaya ang mga komento na kinain ng buhay si Batangas Rep. Gerville Luistro ng defense lawyers ay walang katotohanan dahil hindi naman mga buwaya ang defense lawyer para kainin sila ng buhay.

Bakit daw may common exhibits at witnesses ang magkabilang panig? Natural lamang pero iba lamang ang “purposes which they will be offered.”

May surprise witness daw? Reserved witness oo. Baka surprising ang magiging testimony ng reserved witness kung sino man siya.

Mahabang laban pa ito. At may mga maaaring mangyari sa labas ng impeachment court na maaaring makaapekto sa takbo ng trial o sa takbo ng isip ng senator judges. At ang mga pangyayaring ito ay hindi base sa ebidensya na minarkahan kung hindi markado ng kasaysayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here