
PORMAL na inilunsad ng Home Development Mutual Fund o mas higit nakilala bilang Pag-IBIG Fund ang isang raffle promo kung saan maaaring manalo ang mga kalahok ng hanggang Php 500,000 upang hikayatin ang overseas Filipino workers (OFWs) at mga manggagawa sa informal sector na maging miyembro ng ahensya.
“Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo” ay isang inisyatibo na naglalayong hikayatin ang mas maraming Overseas Filipino Workers (OFWs), mga self-employed, online sellers, at mga manggagawa sa informal sector na magparehistro bilang mga miyembro at mag-ipon sa Pag-IBIG Fund. Ang “1 Plus 1 Raffle Promo” ay tatagal hanggang Nobyembre 30, 2025.
Ang promo ay naggagawad ng mga premyo sa mga aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund na matagumpay na makapagpaparehistro ng mga miyembro mula sa mga sektor na ito, na magbibigay-raan sa mas maraming Filipino na makinabang mula sa mga programa at serbisyo ng ahensya.
Kabilang sa mga kinikilalang mga manggagawa sa informal sector ang mga online seller, mga drayber ng pampasaherong sasakyan, mga nagmomotor, mga self-employed, o mga indibidwal na hindi empleyado sa isang kompanya.
Ang layunin ng One Plus One (OPO) raffle promo ay i-promote ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng Pag-IBIG Fund at hikayatin ang marami pang tao na magparehistro.
Upang makasali, ang isang kasalukuyang miyembro na nakapag-ipon sa kanilang Pag-IBIG Regular Savings sa loob ng nakaraang tatlong buwan ay kailangang magparehistro bilang isang “Pagibigfluencer.” Maaari silang mag- imbita ng kahit isang OFW o manggagawa mula sa informal sector upang maging bagong miyembro, o i-reactivate ang kanilang Pag-IBIG membership, na tinatawag na “Plus 1.” Ang parehong Pagibigfluencer at Plus 1 ay magkakaroon ng karapatan sa mga programa ng ahensya para sa savings at housing loan, at bawat kalahok ay may pagkakataong manalo ng hanggang kalahating milyon sa grand draw.
Makakakuha ang mga Pagibigfluencer ng isang raffle ticket para sa bawat na-refer na Plus 1. Para naman sa “Plus 1,” makakakuha sila ng isang raffle ticket sa bawat buwanang kontribusyon na Php 200.00.
Ang raffle ay nagsisimula noong Disyembre 2024 at magtatapos sa Nobyembre 2025. Ang grand draw ay gaganapin sa December 2025. Ang mga interesado na sumali sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo ay maaaring mag-rehistro sa https://www.pagibigfundservices.com/1plus1/.
Para sa karagdagang updates, ang opisyal na Facebook page ng Pag-IBIG Fund at ang website ay nagbibigay ng pinakabagong balita tungkol sa inisyatibong ito.