Home OPINION MAGIC 16, WALKOUT SA IMPEACHMENT

MAGIC 16, WALKOUT SA IMPEACHMENT

79
0

TINOTOO ng mga senador ang salita nila na litisin ang kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Gagawin ang paglilitis makaraang magawa lahat ng magkabilang panig ang ipagagawa sa kanila ng Impeachment Court na maaaring aabot ng dalawang linggo.

Taliwas ito sa pinalalabas ng mga pro-impeachment na dine-delay ng Senado ang pag-aksyon sa kaso.

Isang napakahalagang punto: Kung masasabit o madedeklarang guilty si Vice President Sara Duterte sa kahit isa lang sa apat na Articles of Impeachment, tanggal na siya sa pwesto at pupwedeng pagbawalan siya muling humawak ng anomang posisyon sa pamahalaan bilang mga parusa.

Iba pa ang posibleng pagsasampa ng kaso sa kanya sa Sandiganbayan na kriminal na posibleng ikakukulong niya, sibil na ikakukumpiska ng anomang salapi o ari-arian na kanyang itinago o ninakaw o administratibo na posibleng ikatatanggal ng kanyang lisensya bilang abogado.

Ngunit may ibang napakahalaga ring punto: Ang takda ng 1987 Constitution na 2/3 ng boto ng lahat ng 24 senador ang kailangan para maideklarang guilty ang impeachable official at ang 2/3 ay minimum na 16 boto.

Ipagpalagay na lang natin na walang kinikilingan ang bawat isa sa 24 senador, makakaya ba ng pro-impeachment na kunin ang 16 boto?

Sakaling hindi nila makuha ang 16 boto para patalsikin sa pwesto si VP Sara, ano kaya ang susunod nilang gagawin?

Uubra kaya ang anti-Erap style na ginawa ng pro-impeachment senators noong hindi binuksan ang selyadong envelope na nag-walkout at dito na rin naganap ang istayl people power laban kay Erap?

Sa huli, napatunayang mali ang mga nag-walkout at nag-pipol power dahil hindi nakapangalan kay Erap ang envelope kundi kay Jaime Dichaves at walang kikbak si Erap na halos P200 milyon sa puhunan ng SSS at GSIS sa Belle Corporation.

Pinawalang-saysay naman ng Sandiganbayan ang kaso laban kay Dichavez sa kakulangan ng ebidensya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here