Home OPINION MAHAHALAGANG BENEPISYO NG SSS SA MGA MIYEMBRO

MAHAHALAGANG BENEPISYO NG SSS SA MGA MIYEMBRO

BASE sa ulat ng SSS o Social Security System, umabot sa hala­gang Php156.7 bilyon  ang nailabas ng State pensioner para sa 2.2 million retirement pensioners nitong 2023.
Katumbas ang halaga ng 47% ng kabuuang 4.7 million pensioner members. Tumaas din ito ng 10.7% kumpara sa taong 2022.

Ang retirement benefits ay cash benefit na ipinagkakaloob ng SSS sa mga miyembro na hindi na kaya pang magtrabaho dala ng pagkakaroon ng edad.

Ang mga miyembro na nakapagbayad ng 120 monthly contributions o higit pa ay mayroong lifetime monthly pension habang sila ay nabubuhay.

Kung kulang naman sa itinakdang bilang ng kontribusyon, makakakuha ang miyembro ng one-time lump sum amount base sa kanyang mga naihulog.

Kasunod ang death benefit na umabot sa Php70.1 bilyon ang nailabas na pondo para sa one 1.4 milyon miyembro.

Nagkakaloob din ang SSS ng cash benefit sa pamilya ng namatay na miyembro kung mayroon siyang hulog na 36 na buwan at kung kulang naman ay mayroon lamang one-time lump sum amount.

Umabot naman sa Php4.8 bilyon ang nailaan para sa funeral benefits na para sa 211,000 claimants.

Nagbabayad ang SSS sa sinoman na siyang gumastos sa funeral expenses ng namatay na miyembro na mula Php20,000.00 hanggang Php40,000.00 depende kung may 36 monthly contribution o higit pa. Nasa Php 12,000.00 naman kung mas mababa sa itinakdang kontribusyon ang matatanggap.

Lubhang mahalagang kaugalian nating mga Filipino ang pakikiramay sa mga nawawalan ng mahal sa buhay. Ganito rin ang SSS sa kanyang mga miyembro na mas nauuna sa kabilang buhay kaysa sa kanilang asawa at mga anak.

Isa sa mahalagang benepisyong ipinagkakaloob ng SSS ay ang death benefits na suporta para sa mga pamilya na naiwan ng namatay na miyembro, naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa kanilang pangangailangan sa panahon ng pagluluksa.

Sa loob ng 65 na taon, umabot na sa Php792.92 billion ang nailabas ng SSS para sa benepisyong ito.

Previous articlePastor na nanutok ng baril sa road rage sa Rizal, kulong!
Next articlePERCY LAPID MURDER CASE, UNCLOSED