Home OPINION MANDATORY OSH SA EDUCATIONAL SYSTEM, NAPAPANAHON

MANDATORY OSH SA EDUCATIONAL SYSTEM, NAPAPANAHON

162
0

SA panahon ngayon na mas kumplikado ang mundo—mula sa climate change hanggang sa digital risks—panahon na upang seryosohin ang pag-integrate ng basic safety and health topics sa curriculum ng grade school at high school. Hindi sapat na marunong lang magbasa, magsulat, at magbilang ang mga bata, kailangang marunong din silang umiwas sa panganib at tumugon sa emergency.

Sa elementarya, maaaring palakasin ang pagtuturo ng mga simpleng konsepto tulad ng personal hygiene, tamang paghuhugas ng kamay, basic first aid, at disaster preparedness. Ang mga araling ito ay maaaring iugnay sa mga programa ng Department of Education at suportahan ng mga kampanya ng Department of Health, Department of Labor and Employment at iba pang ahensiya. Sa murang edad, mahalagang itanim ang disiplina at kamalayan sa kaligtasan—sa bahay, paaralan, at komunidad.

Sa high school naman, mas maaari nang palalimin ang diskusyon tungkol sa occupational safety and health, mental health awareness, road safety, fire prevention, at maging ang basic life support. Maaari ring ipakilala ang mga prinsipyo ng risk assessment at hazard identification upang masanay ang kabataan na maging mapanuri sa kanilang kapaligiran. Ang ganitong kaalaman ay hindi lamang para sa mga nais magtrabaho sa industriya, ito ay maituturing na life skill na magagamit panghabambuhay.

Kung isasama sa curriculum ang safety and health education, makokondisyon unti-unti ang kaisipan ng bawat kabataan. Mas magiging conscious, proactive at ligtas ang mga susunod na henerasyon kasi mababawasan ang aksidente, mapapalakas ang resiliency ng komunidad, at maihahanda ang mga sisibol pang kabataan sa responsableng adulthood.

Kailangan maging kultura na ang edukasyon ay hindi lamang paghahanda sa trabaho, kundi paghahanda sa kaligtasan at kalusugan. Ang buhay na may kaalaman sa kaligtasan ay buhay na mas may kumpiyansa, tiwala, disiplina, at malasakit sa kapwa.

*******

Ipinararating natin ang pagbati kay Engr. Robin Rubina sa matagumpay na Quality, Environment, Security, Safety and Health Management Summit 2026 na isinagawa sa Yuichi Ichikawa Hall, Occupational Safety and Health Center, Diliman, Quezon City nito lamang March 5-6, 2026. Pagbati rin para sa mga organizer na binubuo ng officer and staff ng Synerquest Management Consultancy Services, Inc. MABUHAY!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here