Home OPINION MVP, ‘MODERATE Y0UR GR$$D’ 

MVP, ‘MODERATE Y0UR GR$$D’ 

178
0

ANG magandang balita para sa ating mga kababayan: Inanunsyo ng Public Estates Authority Toll Corporation ang nalalapit na pagbubukas nang 2-kilometro na ‘Segment 3B’ na kukumpleto na sa ‘C5 (Southlink) Expressway at magkokonekta sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque sa ‘Cavitex’ patungong Cavite at iba pang lugar sa Timog Katagalugan.

Sa pahayag nitong Huwebes sa media, sinabi rin nina PEATC Chairman Anthony Peter ‘Cong. Onyx’ Crisologo, PEATC President/CEO Delfin Torrecampo at Philippine Reclamation Authority AGM for Land Development Atty. Joselito Gonzales, na sa pagbubukas ng Segment 3B, maiibsan din ang malubhang daloy ng trapiko sa ilang mga ‘primary roads’ sa buong Southern Metro Manila.

Ang PEATC ay ‘fully owned subsidiary’ ng PRA sa ilalim ni Chairman Atty. Alex Lopez at tanging ‘GOCC’ (government-owned and controlled corporation) na operator ng expressway, ang ‘CAVITEX’ (Manila-Cavite Expressway).

Anila, karagdagang 11,000 behikulo kada araw sa Segment 3B at puwedeng maibsan ang trapiko mula higit isang oras (ngayon) hanggang 10 minuto na lang bawat biyahe, wow!

Inaasahang si Pangulong Bongbong Marcos ang magbubukas ng proyekto sa publiko na ‘more than 96 percent completed’ dahil isa ito sa kongkreto niyang ‘legacy projects’ kung saan milyon nating mga kababayan ang makikinabang.

Ano naman ang ‘bad news,’ mga kabayan? Nalaman kasi natin sa mga miron na ang ‘private partner’ ng PRA/PEATC sa proyekto, ang Cavitex Infrastructure Corporation ng dayuhang oligarko na ‘Salim Group’ ni ‘MVP, “bantulot” na gawin munang “libre” ang pagdaan sa Segment 3B! 

Translation? “Maniningil” agad sa mga dadaan sa tollway kasehodang “nahihilo” ngayon si PBBM sa paghahanap ng mga kagyat na remedyo upang maibsan ang gastusin ng mga Pinoy dahil sa panbagong gera sa Middle East!

Dapat sigurong ipatawag ni PBBM si MVP— na isa sa kanyang mga economic advisers—at sabihan na, ‘Mr. Pangilinan, may krisis ngayon at naghihirap ang ating mga kababayan kaya pwede ba, can you kindly moderate your gr$$d?’

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here