Home OPINION MANILA VERSION NG ‘BALIK PROBINSIYA’ PROGRAM ISUSULONG

MANILA VERSION NG ‘BALIK PROBINSIYA’ PROGRAM ISUSULONG

210
0

ILANG linggo pa lang nagsisimula sa kanyang panunungkulan bilang alkalde si Outgoing Manila Mayor Honey Lacuna noong 2022 ay inihayag na niya na magiging ‘pet project’ niya ang pagtulong sa mga batang lansangan, mga palaboy at dumarayo sa lungsod upang maghanapbuhay.

Kaya nga “Half-way House” ang solusyon ni Mayor Honey sa mga palaboy at nakatira sa lansangan na napakagandang plano dahil hindi naman doon tumitira ang mga pagala-gala sa lansangan kundi doon lang sila matutulog.

Subalit hindi naisakatuparan ang ipinagmalaking pet project ni Lacuna kaya naman ang muling mauupong alkalde na si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang magpatutupad ng nasabing proyekto.

Sa panayam ng Pindot at Sundot kay Yorme Isko, binigyan na niya ng ‘marching order’ ang mauupong bagong hepe ng Manila Department of Social Welfare na isakatuparan ang local version ng “Balik Probinsiya” Program ng Department of Social Welfare and Development na “Balik Bahay, Balik Buhay” program.

Medyo mahirap ang utos ni Yorme Kois kay Dela Fuente sapagkat kailangang tiyakin nito na walang permanenteng tirahan sa Maynila ang mga palaboy at kung saang lalawigan ang mga ito nagmula.

Kasi nga, may mga naninirahan sa kalye na may mga bahay naman pero piniling makisalamuha at maghanapbuhay kasama ng mga walang tirahan.

Kapag natukoy kung saan talaga nagmula ang mga ito, sasagutin ng pamahalaang Maynila ang gastusin para makauwi ang mga ito sa kani-kanilang pinanggalingan at bibigyan pa ng puhunan para makapagsimula muli ng panibagong buhay.

Sisiguraduhin ng MDSW na ang mga kwalipikado sa “Balik Probinsiya” Program na mapauuwi sa kani-kanilang lalawigan ay gagamitin ang puhunang ipinagkaloob sa kanila sa paninirahan sa lalawigan upang hindi na sila muling bumalik pa sa Maynila.

Target din siyempre ng papasok na administrasyon ni Mayor Isko na sa loob ng 100-araw na panunungkulan, malilinis ng mula 50 hanggang 60 porsyento ng mauupong hepe ng MDSW ang mga palaboy sa lansangan bago matapos ang taong 2025.

Hindi naman kataka-taka at hindi rin naman “mahinang nilalang” si Director Jay Dela Fuente, na tulad ng kanyang ‘boss’ na bagaman may kabataan sa gulang pero malawak ang karanasan sa iba’t ibang uri ng problema ng lungsod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here