Home NATIONWIDE Marcos: PH gov’t ‘committed’ sa pagsusulong ng kapakanan ng OFWs sa Czech...

Marcos: PH gov’t ‘committed’ sa pagsusulong ng kapakanan ng OFWs sa Czech Republic

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Czech Republic ang pangako ng gobyerno ng Pilipinas na protektahan at isulong ang kanilang karapatan at kapakanan.

Inihayag ito ng Pangulo kasabay ng pagbibigay-puri sa “skills, diligence, and talent, qualities” ng OFWs na nagpahanga hindi lamang sa kanilang foreign employers kundi maging sa kanilang host countries.

Sa naging pagpupulong ng Pangulo sa Filipino community sa Prague, binisita ng Pangulo ang Czech Republic para talakayin sa gobyerno nito ang kahalagahan ng seguridad at proteksyon ng OFWs.

“Ang ganda ng inyong performance. Kinahahangaan kayo ng inyong mga kasama, at bukod pa sa paghanga, napamahal na sa inyo dahil masyado raw mabait ang Pinoy,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Inimbitahan ko ang ating mga kaibigang Czech na lalong pagtibayin ang kanilang sistema na protektahan ang karapatan at kapakanan ng ating mga OFW,” dagdag na wika nito.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos sa mga Filipino sa Central European nation na ang Joint Communiqué on Labor Consultations Mechanism ay nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic sa kanyang naging pagbisita sa Prague, para protektahan ang karapatan ng mga OFWs.

Winika pa nito na itinaas ng Czech Republic ang annual quota nito para sa mga manggagawang Filipino sa 10,300 simula ngayong taon dahil sa outstanding performance at dedikasyon sa trabaho ng OFWs.

Ayon sa Pangulo, lalo pang pagsisikapan ng kanyang administrasyon na bigyan ang OFWs ng mas komportableng buhay.

Gagawin aniya ng gobyerno ang makakaya nito upang ang Pilipinas ay maging “upper-middle-income economy” sa 2025, isinaalang-alang pagbangon “after reeling from the effects of the pandemic.”

“Ako, at ang ating mga kasamahan sa Gabinete, ay patuloy na nagpupursige na maiahon ang ating bansa. Ito ang pangako ng Bagong Pilipinas na aming inilunsad noong Enero,” giit ni Pangulong Marcos.

“This is my commitment to provide our society with a principled, an accountable and dependable governance to attain better future for all Filipinos. Pinagbubuti namin ang aming serbisyo alang-alang po sa inyo at alang-alang sa masaganang kinabukasan ng bawat Pilipino,” patuloy niya.

“As of Dec. 31, 2023, there are about 7,026 Filipinos in the Czech Republic, ” ayon sa datos mula sa Czech Ministry of Interior.

“They are engaged in the processing industry, automotive, repairs of appliances, manufacturing, IT communications, real estate, health or wellness, and household service work,” anito pa. Kris Jose

Previous article3 lalaking lulan ng tricycle niratrat, todas!
Next articlePagbasura sa petisyon ng NOW Telecom vs NTC pinagtibay ng CA