Home METRO Mas kaunting deboto inaasahang sasampa sa andas

Mas kaunting deboto inaasahang sasampa sa andas

MANILA, Philippines- Inaasahan ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ang mas kaunting deboto ang sasampa sa andas ng imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Enero 9.

Sinabi ni Alex Irasga, technical at proccession manager adviser ng Quiapo Church, na inaasahan nilang 20 lamang ang makaaakyat sa dalawang gilid ng andas.

Sinabi ni Irasga na halos 30 deboto ang nakaakyat sa andas noong 2024, mas kaunti kumpara sa mga nagdaag mga taon bago ang Covid-19 pandemic.

Idinagdag pa ni Irasga na wala ring umakyat sa truck kung saan isinakay ang imahe ng Jesus Nazareno noong Disyembre 31, Thanksgiving procession.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng simbahan na mas pinabuti pa ang andas ng Nazareno kung saan nagkaroon ng pagbabago tulad ng sunroof, upang hindi mamawis ang salamin at ginawang mas matibay ang materyales.

Ang tradisyon na ruta ng prusisyon sa Traslacion ngayong taon ang magsisimula sa Quirino Grandstand at matatapos sa Quiapo Church.

Taunang ipinagdriwang ang Traslacion sa Kapistahan ng Quiapo. Jocelyn Tabangcura-Domenden